Wednesday, February 4, 2009

Mga Tinig Sa Kalawakan (Episode 1): Arsenio

Isang tinig ang narinig ni Maria habang naglalakad pauwi galing sa istasyon ng tren. Hinanap nya kung saan ito nagmumula. Sya ay nagulat sa kanyang nakita. Isang sanggol ang nakahiga sa isang animo'y malaking bahay ng ibon. Lumapit sya at lumingon sa paligid. Nagbabakasakaling mayroong taong nagbabantay sa bata. Subalit sa kanyang pagtatawag ay walang lumapit. Binuhat niya ang sanggol at pilit na pinapatahan. Magtatakip silim na at sya ay nagpasyang dalhin ang bata sa kanilang bahay. Maraming mga mata ang nakatingin kay maria habang sya ay papalapit sa kanilang bahay. Labing pitong taong gulang si Maria ng siya ay umalis sa bario ng puting bato upang mag-aral ng kolehiyo.

Sa kanyang pagpasok sa pinto ng kanilang bahay nagulat ang kanyang Ina. Dali daling ipinaliwanag ni Maria ang dala dalang sangol, habang namumugto ang mga mata ng ina. Nakahinga ng malalim si aleng juanita ng sabihin ni Maria na hindi niya anak ang sanggol.

Inalagaan at itinuring anak ang bata at ito ay pinangalanan nilang Arsenio. Si Arsenio ay may kakaibang kulay ng mata. Ito ay magkahalong asul at berde. May mapulang labi at may kaputian ang kulay ng balat.

Isang araw habang namamasyal sa lungsod ang mag-inang Arsenio at Maria, isang matanda ang lumapit at nagwikang ingatan ang bata sapagkat sya ay isang tagapag-alaga ng kalikasan. Malalim ang salita ng matanda at hindi ito naintindihan ni Maria.

Itutuloy...